PAG USBONG NG WIKANG FILIPINO SA MAKABAGONG PANAHON


Personal na impormasyon ng bawat myembro

Ang tatlong manunulat ng blog na ito ay mga mag aaral mula sa MOL Magsaysay Maritime academy, kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Marine Transportation o BSMT


Name: Erika Fae R. Aloroy

Date of Birth: February 27, 2001

Place: Quezon City

Section: BSMT-1E

 

Name: Shaine Kian S. Leocario

Date of Birth: January 04, 2003

Place: Zamboanga City

Section: BSMT-1E

 

Name: Bryan Voltaire M. Purin

Date of Birth: July 7, 2002

Place: Bagabag, Nueva Vizcaya

Section: BSMT-1E


Layunin at Deskripsyon

Ang layunin ng blog na ito ay :

👉 Makapagbibigay ng kaalaman sa mga tao sa pag usbong ng wikang Filipino sa makabagong panahon.

👉 Magagamit itong blog na ito para mabilis na maikalat ang mga impormasyong makakatulong sa pagbabago ng ating wika. 

👉 Makikita agad ng mamamayang pilipino ang kahalagahan ng pag usbong ng makabagong wika sa mga susunod na araw at mga taon.

👉 Gaano ba nakakaapekto ang makabagong panahon sa pag gamit ng wikang Filipino.

👉 Sa proseso ng modernisasyon, makikita natin sa pangkalahatan ang pagbabago ng nakasulat na anyo ng bawat wika upang umangkop sa nakasulat na kultura ng bagong lipunan.

ANG WIKANG FILIPINO

Makulay at makapangyarihan ang wikang filipino kung ikukumpara sa ibang wika. Sadyang napakasarap pakinggan ng ating pambansang wika kung gagamitin lamang sa tama ng nagsasalita. Batid sa ating lahat na may suliranin pagdating sa usapin ng wika dito sa ating bansa sapagkat mas tinatangkilik ang wikang banyaga. Kahit saan ka magawi ay maririnig mo ang hindi wastong paggamit ng ating wika kahit sa mga paaralan at mga establisyementong propesyunal.


Mababasa ang kamaliang ito maging sa mga tabloid at mga post sa social media at sa pagsusulat sa mga artikulong ipinapahayag sa mamamayan.

Ngunit mayroon pang pag-asa sa kabila nang lahat ng ito. Ang mga kabataan ang may malaking responsibilidad sa pagpapaahon ng ating wikang pambansa mula sa kinasasadlakan nito sa kasalukuyan. Ang mga kabataan ang may kapangyarihan na iangat ang antas ng wikang Filipino kung may matinding pagnanais sila at masidhing pag-ibig sa bayan. May pag-asa pa at hindi mawawalan ng pag-asa hangga't buhay sa bawat Pilipino ang kanyang pagmamahal sa wikang pambansa. Bilang isang Pilipino, ang mass media ay may malaking impluwensya sa atin. Kahit saan ka tumingin, nariyan ang mass media na nagbibigay impormasyon at nagpapalabas ng mga nakakaaliw na panoorin. Ang mass media and nagsisilbing tinig ng taumbayan sa pagpapahayag ng kanilang saloobin at ito rin ang rason kung bakit may alam sa mga isyu ang bawat Pilipino. Napakalaki ng naitutulong ng mass media sa tao ngunit may mga pagkakataon din na hindi maganda ang nagiging epekto nito.

May mga palabas na hindi angkop para sa lahat ng manonood at ito ay maaaring makapagturo sa mga kabataan ng karahasan at masasamang salita.

Malaki ang nagiging epekto ng gamit ng wika sa mass media sa totoong buhay ng bawat Pilipino. Masasabing ang kalagayan ng wika sa mass media ay hindi na masyadong maganda dahil minsan ginagawa nang Taglish ang pag-uusap at maging pagsusulat sa mga artikulong nababasa lalong-lalo na sa telebisyon. Kadalasan ay pinapaikli ang mga salita hanggang dumadating na sa punto na hindi na ito nagiging wasto.

Mapapansin din sa mga tagalog na pelikula, teleserye, at iba pa na marami pa din ang salitang Ingles na kung tutuusin ay wala dapat, dahil ito ay mga pelikulang dapat ay Wikang Filipino ang ginagamit.

Ang mga maliliit na bata ay natututo ng kung ano-anong bagay na hindi pa naman dapat nila nalalaman dahil napapanood at naririnig nila sa mass media. Alam ng isang tipikal na bata kung ano ang ibig sabihin ng mga nauusong salita na hindi alam ng mga matatanda.

Ang mass media dapat ang mangunang magpatibay ng pundasyon ng Wikang Filipino dahil napakaraming Pilipino ang naniniwala sa sinasabi ng mass media. Mas magiging mabunga ang ating sariling wika kung nagagamit ng wasto at makabuluhan.

Tunay na mararamdaman ang kaibahan ng pamayanan ngayon kung ikukumpara sa pamayanan noon, ang panahon kung saan ang pamumuhay sa isang pamayanan ay payak. Malaking impluwensya ang pamayanan sa paghubog sa katauhan ng isang indibidwal dahil sa isang pamayanan unang natututo ang bata sa pakikipag-ugnayan sa iba. 

Ngunit kasabay ng pagbabago sa lipunan ay naapektuhan din ang wikang Filipino. Masasabi na hindi wasto ang paggamit ng wikang Filipino sa isang tipikal na pamayanan dahil unang una ay mali ang gramatika at pangalawa ay hindi angkop ang paggamit ng wika kahit sa mga pormal na pagpupulong dahil hindi maiiwasan na napapaikli ang mga salita. Kung ikaw ay magagawi sa isang barangay, maririnig mo sa mga kalye ang mga makabagong salita na ginagamit ng mga kabataan dahil ito ay pinauso ng isang sikat na personalidad. Dahil malaki ang porsyento ng bilang ng mga kabataan sa pamayanan ay ang mga salitang "Trending ang karaniwang ginagamit sa pakikipagtalastasan. Naiimpluwensiyahan din ang maliliit na bata na gayahin ang mga salitang nauuso sa telebisyon dahil naririnig nila ito sa mga nakatatanda. Hindi lamang sa mga kabataan makaririnig ng mga salitang ito kundi maging sa mga matatanda din sapagkat hindi umano sila magpapahuli sa napapanahon.

Dahil sa hindi matatag na kalagayan ng wikang Filipino sa isang pamayanan, nararapat lamang na lapatan ito ng solusyon dahil hindi maiiwasan na baka dumating ang araw ay tuluyan nang masira ang wastong konsepto ng ating wikang pambansa sa ating lipunan.

Sa sitwasyon na kinasasadlakan ng mundo ngayon, makikita ang sari-saring pagbabago at pag unlad ng iba't ibang bagay mula sa pananamit, pagkain, mga pelikula hanggang sa wika at mga salitang ginagamit sa araw-araw.


Ilan sa mga sanhi nito ay ang mabilis na pagbabago lalong lalo na sa teknolohiya, ang pakikisabay sa uso ng karamihan at ang pag-abuso sa karapatang kalayaan sa pagpapahayag. Dahil sa impluwensya ng social media, hindi na bago sa tenga ang mga salitang Selfe, Hashtag at Emoji dahil ang mga ito ang karaniwang ginagamit ng mga Pilipino sa panahon ngayon. Dahil maraming Pilipino ang nakagagamit ng internet, nagkaroon ng malawakang kalayaan sa pagpapahayag ng damdamin at kaisipan, kasabay nito ay umusbong na rin ang mga salitang bago sa ilan at tanging naiintindihan lamang ng mga aktibo sa social media.


Sanaysay patungkol sa paksa


PAG USBONG NG WIKANG FILIPINO SA MAKABAGONG PANAHON

Sa impluwensya ng ibang dayuhang bansa at makabagong teknolohiya, ang ating mga kabataan at karamihan sa mga henerasyon ay gumagamit na ngayon ng modernong wika, at ang wikang Filipino ay naaayon sa kung ano ang mayroon tayo ngayon. Anumang wika ng tao na kasalukuyang ginagamit ay itinuturing na isang modernong wika lalong lalo na’t pinaghahalo nating ang Ingles, Korean, Japanese, Espanyol, at marami pang iba’t ibang lengguahe o wika. Ang termino ay ginagamit sa edukasyon ng wika upang makilala ang mga wika na ginagamit natin araw-araw upang makipag-usap sa iba at mga klasikal na wika na pinag-aaralan para sa kanilang kultural o lingguwistika na halaga.

Sa ngayon, ang Filipino at ang pundasyon nito ay higit sa lahat ay Tagalog, ngunit kasama na ngayon ang mga hiram na salita mula sa humigit-kumulang 180 iba pang wikang Filipino pati na rin ang mga banyagang wika. Ang wikang Filipino ay isang baryasyon lamang ng Tagalog na sinasalita sa kalunsuran ng Maynila, at karamihan sa mga Pilipino ay nagsasalita nito kasama ng kanilang sariling wikang panrehiyon, at madalas ding Ingles. Ang Filipino at Ingles ay ang dalawang opisyal na wika ng Pilipinas ngayon, kasama ng pito pang rehiyonal na wika na opisyal ding kinikilala.

Isin
ulat ni: Cdt. Shaine Kian Leocario










ANG WIKANG FILIPINO SA KASALUKUYANG PANAHON



Sa panahon ngayon, malawak na ang ating wika dahil sa mga makabagong salita na nadadagdag sa atin. Ang wikang Filipino ay napapalawak sa kasalukayang panahon dahil sa mga social media. Halos lahat ng tao sa ating bansa ay gumagamit ng teknolohiya kayat madali itong makaimpluwensiya sa ibang tao. Madalas natin na makikita natin ngayon na ang paggamit ng wika ay hindi na purong Filipino, ito ay may halo nang salitang Ingles. sa sa kasalukuyang panahon ito na ang ating ginagamit lalo na kapag nagpopost tayo sa social media.

Ang wikang Filipino ngayon ay madali na gamitin dahil hindi na kailangang lumapit pa sa isang tao para makipag usap dahil sa panahon ngayon ay nagsikalat na ang mga teknolohiya na kung saan napapabilis na ako komunikasyon. Marami ding Pilipino ang komportable sa pakikipagtalastasan gamit ang ating wika dahil mas naipapahayag nila ang kanilang sarili. Marami sa mga tao ngayon lalo na ang mga kabataan ang gumagamit ng mga ibang salita gaya ng jeje at pagsasalita ng mga taglish na salita. pwede namang gumamit ng mga ganong salita ngunit huwag nating hayaan mawala ang kakanyahan ng ating wikang Filipino.

Hindi masamang mag imbento o gumamit ng ibang mga salita dahil alam naman natin na sa panahon ngayon ay mahilig tayong mag siyasat ng mga makabagong salita. Ngunit huwag sana nating hahayaang makalimutan ang pinagmulan nito. Pahalagahan natin ang ating sariling wikang Pambansa at panatilihin natin itong intelektwalisado.

Isinulat ni: Cdt. Bryan Voltaire Purin


Maikling tula patungkol sa paksa

ANG WIKANG FILIPINO SA KASALUKUYANG PANAHON

Sa araw araw na pamumuhay
Wika ang ating gabay
Pagkakaisa ng mamamayang Pilipino
Habang tumatagal ay tumitibay


Balik tanaw sa nakaraan
Sa gulo na dala ng mga dayuhan
Pilipino ang nanatiling makapangyarihan
Sa malalakas nilang alon
Tayo ay nakaahon


Wika nating kay ganda
Kahit banyaga ay namamangha
Simbolo ito ng bansa nating malaya

Ang tulang ito ay isang paalala
Sa bawat tao sa bansa
Ang hindi magmahal sa sariling wika
Ay masahol pa sa malansang isda

Isinulat ni: Cdt. Erika Fae Aloroy


KARAGDAGANG IMPORMASYON:

Courtesy: Asian Boss


Sa bidyo vlog na ito na inupload sa YouTube, makikita natin na halos karamihan sa atin ay gumagamit ng "TagLish" (Tagalog at Ingles). Dito natin makikita na sa nagdaang mga taon ay patuloy na nagmomodernisa at umuusbong ang wikang Filipino at ito ay nagbabago sa bawat taon at iba't ibang mga henerasyon.


Maari po nating panuorin itong vlog na ito upang tayo ay makalangkap ng kalagdagang impormasyon.

 


bidyo: Can Filipinos Speak Their Own Language?



Courtesy: Kara David

Sa bidyo na ito, makikita natin ang ilan sa mga maling wikang Filipino na ating mga ginagamit. Ito ay ipinaliwanag at ibinahagi sa atin ni Kara David.

 

Maari po nating panuorin itong vlog na ito upang makalangkap ng kalagdagang impormasyon.

bidyo: Commonly Misused Filipino Words







Comments